Garin, iba pang opisyal pinakakasuhan sa Dengvaxia

 

SINABI ng Department of Justice (DOJ) na nakakita ng probable cause para kasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide si dating Health Secretary at ngayon ay Iloilo Rep. Janette Garin at siyam na iba pang opisyal ng Department of Health (DOH) kaugnay ng ikalawang batch ng mga reklamo hinggil sa pagkamatay ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia.

Sa isang pahayag, sinabi ni Justice Assistant Secretary Neal Bainto na bukod kay Garin, kabilang sa mga kakasuhan ay mga opisyal ng DOH, Food and Drug Administration (FDA), Research Institute for Tropical Medicine (RITM), at Sanofi Pasteur, Inc. (Sanofi).

“Likewise, the Panel found that the circumstances surrounding the dispensation of the Dengvaxia vaccine made the same a mislabeled drug and held liable the President of Sanofi and four (4) of its other officers or directors for violating the same Act,” sabi ni DOJ.

Nauna nang naghain ng 55 kaso ang Public Attorney’s Office (PAO) kaugnay ng pagkamatay ng mga naturukan ng Dengvaxia, na karamihan ay mga bata.

“The Panel concluded that the accomplishment of the procurement process for the Dengvaxia vaccine, with undue haste, within a limited timeframe, and despite the red flags known to Garin and the other respondents, amounted to Reckless Imprudence,” sabi ni Bainto.

Read more...