MABILIS na sinagot ni Angel Locsin ang Facebook post ng veteran actress na si Vivian Velez tungkol sa pagkakasama niya sa listahan ng Top 100 stockholders ng ABS-CBN Corporation kasabay ng pagsuporta nito sa franchise renewal ng ABS-CBN.
Ilang netizens ang nagkomento sa FB status ni Vivian last Feb. 12 kung saan makikita ang kumpletong listahan ng mga celebrities na kabilang sa Top 100 stockholders ng ABS-CBN. May isang nagtanong kung mga “Chinese-Filipinos or just chinese? Oligarchs? dummies?” ang nasa list na sinagot ni Vivian ng, “And actors?… Angelica Colmenares is Angel Locsin.”
Bukod kay Angel, nasa listahan din sina Daniel Padilla, Bea Alonzo, Kris Aquino, Angelica Panganiban Kim Chiu at marami pang iba.
May mga nagparating nito kay Angel hanggang sa mabasa ang mga negative comments ng mga netizens. Hindi diretsong sinagot ng aktres ang pamba-bash sa kanya at ni-repost ang screenshot ng FB post ni Vivian sa kanyang Instagram account.
Just to clear things up.
1) I am not part of any political party, nor representing any politician.
2) I do not have an existing contract with ABS-CBN. Therefore, the company has no control on whatever I want to post.
3) Sorry to disappoint some people, but money is not everything. Hindi ko ho alam kung anong intention ni Ms. Vivian sa kanyang post, pero kung ito po ang gagamitin to discredit my name and what I stand for, hindi nyo po kailangang gawing issue. Kapag kumita po ang aking maliit na investment sa ABS-CBN, I WILL DONATE EVERYTHING TO CHARITY. Accounted.
“Again, money is not everything. (For your knowledge, Maliit lang po ito. As in. It’s a privilege offer of the company to some of their employees in installment plan. Mine is payable for 5 years.
“Wala pa po sa half ang nabayad ko kaya sa understanding ko, HINDI KO PA PO PAGMAMAY-ARI ANG STOCKS na yun.) Nirerespeto ko ho ang opinyon ng lahat. Alam ko na magkakaiba man ng paraan, lahat naman tayo prayoridad ang kapakanan ng mga manggagawa. Yun naman po ang importante (three praying hand emojis).”
Kung matatandaan, nagkasama sina Angel at Vivian noong 2010 sa seryeng Imortal ng ABS-CBN. Sa isang panayam, pinuri pa ni Vivian ang aktres dahil sa kabaitan nito at galing sa pag-arte.
Sinabi pa niya na fan siya ni Angel at siya rin ang dahilan kung bakit siya napapayag na magbalik sa pag-aartista.