Robin, Mocha sanib-pwersa kontra ABS-CBN: Kailangan pa bang i-memorize yan?! | Bandera

Robin, Mocha sanib-pwersa kontra ABS-CBN: Kailangan pa bang i-memorize yan?!

Cristy Fermin - February 22, 2020 - 12:45 AM

MOCHA USON AT ROBIN PADILLA

Wala na ngang ligtas ngayon ang kahit sino sa fake news. Laganap ang pekeng balita ngayon sa kahit anong sektor ng lipunan. Walang pinatatawad ang mga taong kapos na kapos ng magandang magagawa sa buhay.

Si Mocha Uson ang itinuturing na reyna ng fake news dahil sa maraming balita at kuwentong inilalabas niya sa social media na kalaunan ay napatutunayang hindi naman totoo.

Pero ayos lang ‘yun kay Mocha, nginingitian na lang niya ngayon ang kanyang mga bashers, para ngang masayang-masaya pa siya kapag maraming kumokontra sa kanya.

May nakausap kaming psychiatrist nu’ng minsan na nagsabi sa amin na may mga taong masayang-masaya kapag nakakapagpagalit sila ng maraming tao.

‘Yun daw ang parang bitaminang nagpapalakas sa kanilang katawan, daig pa raw nu’n ang iniinom na pildoras, talagang humuhugot daw ng inspirasyon sa galit ng kanilang kapwa ang mga taong ganu’n.

Sa pisikalang usapin ay masokista ang tawag sa ganu’n, tuwang-tuwa ang mga masokista nang sila ay sinasaktan, hinahanap-hanap na nila ang sakit na dulot ng ibang tao sa kanila.

Nakahanap na naman ng kaalyado si Mocha kay Robin Padilla na panay-panay ang kuda at paglalabas ng kung anu-anong rebelasyon laban sa ABS-CBN.

Hindi na ‘yun nakapagtataka, hindi na kailangan pang kuwestiyunin ‘yun, dahil may one thing in common sina Mocha at Robin Padilla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending