John Lloyd spotted sa sabungan: Nagsusugal ba o eksena sa pelikula?

SPOTTED si John Lloyd Cruz sa isang sabungan.

Kumalat ang ilang photos niya sa isang Facebook account na may kinalaman sa sabong.

Sa photo, very ordinary looking si Papa Lloydie, walang bakas ng pagiging matinee idol. He looks just like one of the sabungero boys.

With the photos which surfaced on social media, nag-react siyempre ang netizens. There are those who were turned off.  Mayroon namang walang paki at okay lang sa kanila makita man nila ang actor sa sabungan.   

“Parang sobrang TH na ni JLC magpaka away from showbiz glitz? Ewan ko but you would see him in the least expected places with matching untidy grooming. Pwede naman magpunta in places without looking like lacking proper hygiene. Magpaka presentable pa rin sana kahit papano like haircut, grooming, kumain ng masusustansya and all that. Yun lang naman ang akin.”

“Dating matinee idol, sabungero na ngayon. Jusko!”

“Kung san ka masaya mas mabuti namumuhay ng totoo at kahalubilo ang mga simpleng tao.”

May nag-comment naman na baka raw eksena lang ito sa bagong project ni Lloydie kaya huwag na raw munang husgahan ang ex ni Ellen Adarna. May point naman siya.

Read more...