Nakisali na rin ang Kapuso hunk na si Gil Cuerva sa mga male celebrities na walang takot na magbalandra ng kanilang “kabukulan” in public.
Bumandera na ang mga litrato ni Gil bilang endorser ng sikat na local brand ng underwear kaya naman mas lalo siyang pinagpapantasyahan ngayon ng mga beki.
Inilabas sa Instagram page ng GMA Artist Center ang picture ni Gil na naka-briefs lang. Lutang na lutang ang pagiging flawless ng katawan ng Kapuso actor, huh!
At in fairness, may bukol namang nakita sa kanya kaya ang mga fans niyang bading ay talagang nagpiyesta.
Palibhasa’y modelo na talaga bago pa pumasok sa mundo ng showbiz, hindi na bago kay Gil na ipangalandakan ang kanyang hubad na katawan with matching pasantol pa dahil sa kanyang ipinagmamalaking bulge!
Bukod kay Gil, isa pang Kapuso actor na wala ring takot na nagpakita ng kanyang bukol ay ang young actor na si Paul Salas.
Hindi rin nagpatalbog ang dating StarStruck Kids contestant sa pagpapakita ng kanyang kamachuhan ngayon na hot na hot ngayon ang underwear photo sa social media. May ilang fans pa nga ang nagkomento at nagtanong kay Paul ng, “How much po?” at “How to be you po?”