MAAGANG nabulabog kahapon nang umaga ang mga residente sa Barangay Caypombo sa Santa Maria, Bulacan.
Ito’y dahil nagbukas na rin sa publiko ang 5th branch ng global food chain na pag-aari ni Maine Mendoza. Yes, lima na ang inaasikasong food business ng Dubsmash Queen, huh!
Trending sa Twitter ang hashtag na gamit ng mga fans ni Meng at makikita sa mga litratong ipinost nila sa social media ang mga kaganapan sa opening. Present si Maine sa event at kasama pa ang buo niyang pamilya.
Ang tawag na nga kay Meng ngayon ng kanyang supporters ay Madame CEO, huh! Naku, ikaw ba naman ang magkaroon ng limang branches ng sikat na food chain sa ganyang edad, di ba? E, di ikaw na talaga Meng ang best young entrepreneur of the year.
Kung tutuusin, puwedeng maging sitting pretty na lang si Maine sa buhay dahil sa dami ng negosyo niya ngayon pero mahal din niya ang fans na napapasaya at nai-inspire niya sa kanyang pagiging artista.
So, gumawa man ng isa o dalawang movie a year, plus yung sitcom niya sa GMA at may Eat Bulaga pa araw-araw, siguradong hinding-hindi na siya maghihirap!
Next month, Marso, birthday month na niya. Ngayon pa lang ay naghahanda na ang iba’t ibang grupo ng fans niya nang bonggang-bonggang selebrasyon!