PhilHealth coverage

MAGANDANG hapon po sa Aksyon Line. May gusto lang po sana ako na itanong tungkol sa PhilHealth ng auntie ko. Naka-schedule po kasi siya ng operation sa bladder.
Hinihingan po siya ng mahigit sa P100,000 para sa operation. Medyo mataas po lalo’t wala naming trabaho ang kanyang asawa. Siya po ay PhilHealth member.
Paano po kaya kung kulang po ang coverage ng aking auntie sa kanyang hospitalization, maaari niya bang idagdag ang PhilHealth coverage ng anak niyang member din?
Kailangan na po kasing agad na ma-schedule ang kanyang operation.
Marvex dela Cruz ng Brgy. Tungko, San Jose del Monte Bulacan.
REPLY: Ang benepisyo na makukuha ng isang aktibong miyembro sa Philhealth ay nakabase sa case rate package na ayon sa final diagnosis ng attending doctor.
Covered naman sa PhilHealth ang gagawing gall bladder operation. Ngunit ang case rate packages ng PhilHealth ay may hangganan lang ang halaga ng coverage.
Hindi po maiipapagamit ang PhilHealth benefits ng iba at wala pong nakasaad sa batas na pwede ito. Tumawag sa PhilHealth Action Center para sa iba pang tanong .
Warm regards,
CORPORATE ACTION CENTER
24-Hour Hotline: (02) 8441-7442
Text Hotline: (0917) 8987442
Website: www.philhealth.gov.ph
Email: actioncenter@philhealth.gov.ph
FB: https://www.facebook.com/PhilHealthofficial/
Twitter: https://twitter.com/teamphilhealth
Youtube: www.youtube.com/teamphilhealth

Read more...