Copyright ‘thief’ may negosyo sa LTO

ISANG German based tech-company ang nagpadala ng reklamo sa Department of Transportation (DOTr) na nagbulgar na ang Land Transportation Office (LTO) ay tumatangkilik ng negosyo sa isang Chinese company na ginagamit umano ang kanilang pangalan at teknolohiya ng walang pa alam.
Cartesy, isang German manufacturer ng motor vehicle inspection tools ay nagpadala ng sulat ka Secretary Arthur Tugade ng DOTr na nagdedetalye ng copyright infringement ng isang Chinese company na Cartesykj (Cartesy Diagnostic Technology Co., Led) laban sa kanila.
Ang nasabing kumpanya ay ginagamit umano ang identity at reputation ng German Cartesy para ibenta ang mas marupok na produkto nila sa Motor Vehicle Inspection Service program ng DOTr, kung saan ang Land Transportation Office naman ay tinangkilik.
Ang German-based Cartesy ay gumagawa ng “state of the art technologies with priority to wireless, energy autonomous measuring, testing and control system for vehicle test equipment,” ayon sa reklamo.
Nilinaw ng Cartesy na hindi sila nagbibigay ng serbisyong inaalok ng pekeng Cartesy provides at wala silang corporate office sa Pilipinas, bagkus ay gumagamit sila ng serbisyo ng mga local partners para sa kanilang sales and services.
Idiniin ng German form na ang fake Cartesy (Cartesy Diagnostic) ay isang Chinese company na ilegal na ginagamit ang kanilang pangalan para ibenta ang mga inferior products nila sa bansa para i-test and certify ang mga motor vehicles na ligtas at road worthy.
Nababahala ang German Cartesy dito dahil hindi lamang ito gross violation ng proprietary at copyright laws, inilalagay din nila sa balad ng alanganin ang publiko at motorista sa paglakbay ng mga hindi ligtas na sasakyan sa lansangan natin na taliwas sa layunin ng motoring vehicle inspection.
Natatakot ang German Cartesy na kung may anumang Salina ang mangyari sa sasakyan na certifies ng Chinese Cartesy ay sila ang mapagbintangan at wala silang magawa para bigyang proteksiyon ang publiko at ang sarili nila.
Mas malaking concern sa German Cartesy ay ang posibilidad na may mga LTO officials na alam na ang Cartesy na kausap nila ay peke pero tuloy pa rin ang pagtangkilik nila dito.

***

Bukas ang Bandera at ang Talyer para sa reaksyon o komento ng Cartesykj at maging sa LTO.***
Para sa komento o suhestiyon, sumulat lamang sa irie.panganiban@gmail.com o sa inquirerbandera2016@gmail.com‍

Read more...