Payo ni Regine kina Sarah at Matteo pag kasal na: Mag-sex lang sila nang mag-sex…

REGINE VELASQUEZ

NAKAKALOKA ang marriage advice ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez kina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Sa isang panayam, natanong ang singer-actress-TV host kung ano ang maipapayo niya sa magdyowa para tumagal ang kanilang pagsasama bilang husband and wife. Balitang anytime this year ay magpapakasal na ang AshMatt sa gitna ng chika na kontra rito ang magulang ng Popstar Royalty.

Sey ni Regine, “Mag-sex lang sila nang mag-sex siguro… in a Christian way, kasama yun! But no, communication talaga is very important. Kasi alam n’yo, magte-10 years na kami ng asawa ko and it doesn’t feel na ten years ko na siyang kasama.

“It doesn’t feel that way because he makes life so exciting for me. And since he does that, I also try to do the same. Kaka-text lang niya ng, ‘Hi miss, kailan uwi mo?’ Ako naman, ‘Sir, matagal pa sir, traffic pa sir.’ Yung little things like that will add color to your relationship,” pahayag pa ng Songbird.

Hirit pa niya sa kanyang anak-anakang si Sarah, “Magligawan kayo nang magligawan. Ako, yung asawa ko kaya, nililigawan pa rin ako. Magte-text yun sa akin, ‘Hi, can I date you?’ Yung ganu’n, pero kinikilig ka du’n. Nakakatuwa yun, kasi siyempre pareho kaming busy, nakahanap pa siya ng time para bolahin ako, di ba? Minsan nakakatuwa din yun, kasama lahat ‘yun.”

 

Read more...