Bato ikinumpara kay Kokey: Bumalik ka na lang sa planeta mo

KOKEY AT RONALD ‘BATO’ DELA ROSA

Nag-viral ang Facebook post ng award-winning scriptwriter at ABS-CBN creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario patungkol kay Sen. Ronaldo “Bato” dela Rosa. Ginamit kasi niya ang iconic TV character na si Kokey sa pambabatikos niya sa senador na hayagang kumampi kay Pangulong Rodrigo Duterte sa issue ng franchise renewal ng Kapamilya network.

Ipinost ni Mel sa FB ang iba’t ibang poster at litrato ni Kokey kasama ang photo ni Sen. Bato. Nilagyan niya ito ng mensaheng, “Ipapaalala ko lang na hindi nagkulang ang ABS sa’yo.

“1997 iniluwal ka at binigyang buhay. 2007 tinuring ka pang Bespren na Okey. 2010 binuhay ka uli at minahal. 2017 inabala ka para tumingkad via digital restoration.

“‘Tapos ganito isusukli mo sa lahat ng ginawa ng ABS. Bakit? Sana bumalik ka na lang sa planeta mo.”

Sa mga hindi pa nakakakilala kay Kokey, siya ang alien character bumida sa serye ng ABS-CBN na may parehong titulo noong 2007. Pero nauna siyang nakilala sa “Kokey” movie ng Star Cinema noong 1997. Marami ang nagsasabi na magkahawig daw si Kokey at si Sen. Bato.

Read more...