15-anyos dakip sa umano’y paghalay sa 6-anyos

HAWAK ngayon ng mga otoridad ang 15-anyos na binatilyong inireklamo para sa umano’y paghalay sa 6-anyos na kapitbahay sa Pasay City.

Dinampot ng mga security guard ang binatilyo sa tinitirhan nitong condominium matapos ireklamo ng ina ng biktima Miyerkules ng gabi, ayon sa ulat ng Southern Police District.

Bago ito’y natagpuan ng ina ang anak na babae na umiiyak, at ipinagtapat ng bata na siya’y hinalay ng kanilang kapitbahay sa condo.

Napag-alaman sa inisyal na imbestigasyon na dinala ng binatilyo ang bata sa mataas na bahagi ng condo at doon ito hinalay.

Nagsasagawa pa ng karagdagang imbestigasyon ang Womens and Children Protection Desk ng Pasay City Police kaugnay ng insidente.

Read more...