Carla Abellena vs Coney Reyes: tuloy ang banggaan

ISA ang Kapuso star na si Carla Abellana sa mga tumanggap ng parangal na Green Zeal Award for Excellence as Lasallian Public Communicator mula sa Gawad Lasallianeta Media Awards.

Matatandaang alumna ng unibersidad si Carla at nagtapos pa ito bilang cum laude! Proud na proud ang kanyang alma mater sa lahat ng mga achievements ng aktres. Lalo na ngayon, isa siya sa mga bida sa GMA primetime series na “Love of my Life” kasama ang award-winning veteran actress na si Coney Reyes, ang kanyang boyfriend na si Tom Rodriguez with Rhian Ramos and Mikael Daez.

Gumaganap siya bilang si Adelle, isang single mom at palaban na business owner ng local handicrafts. Tuloy pa rin ang banggaan nila ni Isabella (Coney) sa atensyon at pagmamahal ni Stefano (Tom). Paano ngayon haharapin nina Adella at Isabella ang rebelasyong may matinding karamdaman pala si Stefano?

Sundan ang kanilang kwento sa “Love of my Life” gabi-gabi pagkatapos ng “Descendants of the Sun” sa GMA Telebabad.

Read more...