Sa wakas: honeymoon ng JuanchOyce matutuloy na

JUANCHO TRIVIÑO AT JOYCE PRING

Punumpuno ng suspense at makadurog-pusong eksena ang pagtatapos ng top-rating Kapuso afternoon drama na “Madrasta” ngayong Biyernes.

Memorable para sa lead actress ng serye na si Arra San Agustin ang programa dahil naipakita niya rito ang iba’t bang klase ng emosyon na kailangan sa kanyang character.

Of course, ipakikitang muli ni Thea Tolentino ang bagsik ng pagiging kontrabida sa nalalapit na ending ng “Madrasta” at alamin kung magkakaroon pa ba ng happy ending ang mga karakter nina Arra at Juancho Triviño.

Samantala, ngayong tapos na ang serye ni Juancho sa GMA puwede na silang mag-honeymoon ng asawang si Joyce Pring na medyo na-delay nang kaunti. Kaya ang next na hihintayin natin sa bagong kasal ay ang pagbubuntis ni Joyce at ang pagiging tatay ng Kapuso hunk.

Read more...