PASOK sa official line up ng documentary section ng Sinag Maynila 2020 ang “Kung Saan Ka Happy: An A.D N. Story” na gawa ni Kimberly Maya.
Nang ipalabas ang trailer ng nabanggit docu sa Sinag Maynila 6th edition media launch, aba, tungkol pala ito sa AlDub phenomenon nina Alden Richards at Yaya Dub a.k.a Maine Mendoza na nagsimula sa Kalyeserye ng Eat Bulaga, huh!
Siguradong matutuwa rito ang mga loyal fans nina Maine at Alden na matagal nang nakaka-miss sa kanilang mga idol. Kaya sana panoorin ito ng ADN (AlDub Nation) para balikan ang kaganapan sa minahal nilang phenomenal loveteam. Kahit paano, maaalala nila ang kasikatan ng AlDub ilang taon na ang nakararaan.
Sinag Maynila is a brainchild of international award-winning director Brillante Mendoza at ng longtime Filipino cinema advocate-businessman na si Wilson Tieng.
Bukod sa documentary section, may short films at full length films ding maglalaban-laban this year.
Ang full length films na mapapanood simula sa March 17-24 ay ang “Latay (Battered Husband)” nina Lovi Poe at Allen Dizon; “He Who is Without Sin” mula sa direksyon ni Jason Paul Laxama; “The Highest Peak” ni direk Arnel Barbarona; “Kintsugi (Beautiful Broken)” ni direk Lawrence Fajardo; at “Walang Kasarian ang Digmaang Bayan” ni Jay Altarejos.
Sa opening ceremonies, ipalalabas naman ang digitally restored at remastered 1985 masterpiece ni Lino Brocka na “White Slavery.”
Mapapanood din ang pelikulang “Mindanao” ni Direk Brillante Mendoza bilang bahagi ng Film Appreciation Workshop sa March 21 sa SM Megamall cinema 5, 1 to 5 p.m.