Partial lifting ng travel ban sa Hong Kong at Macau inaprubahan

INIHAYAG ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na inaprubahan ang partial lifting ng travel ban sa Hong Kong at Macau kung saan maaari nang makabalik ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa kani-kanilang trabaho.

“The Inter-agency task force for the management of emerging infectious disease has decided to lift OFWs going to Macau and Hong Kong,” sabi ni Panelo.

Idinagdag ni Panelo ni Panelo na kailangan lang pumirma ng written declaration ang mga nais bumalik ba OFWs.

“For those OFWs going back will have to make a written declaration that they know the risk gong to their place of work,” ayon pa kay Panelo.

Idinagdag ni Panelo na maaari ring makabalik ang mga Pinoy at kanilang pamilya

“For those coming back from Macau and Hong Kong, families of Filipinos who are there they can come back as well as those having permanent residence as well as the members of the diplomatic corps,” sabi pa ni Panelo.

Tiniyak naman ni Panelo na tutulungan ang mga OFWs sakaling tamaan ng OFWs.

“Definitely, the government will always protect and provide support and assistance of all Filipinos whether here or abroad,” ayon pa kay Panelo.

Niliwanag ng Palasyo na mananatili ang ban sa mga turistang nais pumunta sa Hong Kong at Macau.

Read more...