SIGURADONG marami na naman ang magre-react sa naging mensahe ni Angel Locsin sa pagbabalik-telebisyon ni Julia Montes.
Hindi lang ang mga fans ni Julia ang tuwang-tuwa sa muli niyang pagsabak sa pag-arte sa pamamagitan ng bago niyang action-drama series sa ABS-CBN, ang “24/7“. Maging ang kanyang mga kaibigan sa showbiz ay excited na sa kanyang comeback project.
Makakasama niya rito sina Arjo Atayde, Edu Manzano, Denise Laurel, JC Santos, Joross Gamboa, Meryll Soriano, McCoy De Leon, Matt Evans at marami pang iba.
Isa nga sa mga nag-comment sa kanyang post ay walang iba kundi ang Action-Drama Queen na si Angel Locsin na nagbida sa ilang Kapamilya action series tulad ng “Imortal” at “The General’s Daughter.” Bago ito, sumikat din si Angel nang bonggang-bongga nang gawin niya ang “Darna”.
Isang simpleng “My Darna” ang komento ni Angel kay Julia na sinagot naman ng nagbabalik na aktres ng, “Love you ate.”
Wala mang malisya ang reply ni Angel, marami ang nag-react na mukhang offensive naman ito para kay Jane de Leon na siyang napili bilang kapalit nila ni Liza Soberano bilang bagong Darna.
Hintayin na lang natin kung magiging issue ito sa kampo ni Jane na abala na ngayon sa pagte-training para sa latest movie version ng iconic Pinay superhero.