Annabelle kay Vice: Tandaan mo kapag bata ang kinakasama mo, iiwan ka rin niyan! | Bandera

Annabelle kay Vice: Tandaan mo kapag bata ang kinakasama mo, iiwan ka rin niyan!

Alex Brosas |February 18,2020
facebook
share this

Annabelle kay Vice: Tandaan mo kapag bata ang kinakasama mo, iiwan ka rin niyan!

Alex Brosas - February 18, 2020 - 01:05 AM

RUFFA GUTIERREZ, ANNABELLE RAMA AT VICE GANDA

Walang inurungang tanong si Annabelle Rama sa Sagot o Lagot segment ng Gandang Gabi, Vice.

Naunang tinanong sa kanya kung sino kina Raymond or Richard ang mas magaling mag-host.

“Galing sa puso ko, si Raymond magaling mag-host. Magaling din si Richard pero si Raymond kasi matagal sa US naiwan so sanay siya diyan sa pagho-host,” say ni Annabelle.

When asked kung ano ang pinakamabigat na ginawang kasalanan ni Ruffa Gutierrez, ito ang sagot ni Annabelle, “Alam mo si Ruffa mabait naman talaga ‘yan. Siyempre, mahal ko kasi only daughter ko siya. Pero ‘yung mga ayaw ko, sinusuway niya.

“Unang-una, sabi ko, maghanap siya ng boyfriend na bubuhay sa anak niya at sa kanya. Hindi siya kailangang magtrabaho kasi matalino naman siya, maganda, hindi naman siya bobo, ‘di ba? Ang ayaw ko lang, pagdating sa lalaki ay bobo talaga siya.”

“Pero alam mo kasi tita, siyempre iba ang love, ‘no? ‘Yung iba, para sa iba ‘yung ginawa niyang desisyon sa love ay hindi smart, pero sa isang tao para sa kanya, smart ‘yung naging desisyon niya,” say ni Vice Ganda.

“Kalokohan naman ‘yan Vice, eh, may dalawang anak na siya, eh. Ikaw ba Vice na in love ka na ba sa ganyan, walang pera din?” tanong ni Annabelle.

“Tandaan mo ito, Vice, ha. Kapag tumanda ka na at bata ang kinakasama mo, iiwan ka rin niya,” say ni Annabelle.

Nang matanong kung sinong boyfriend ang hindi niya papayagang makabalikan ni Ruffa, Annabelle said, “Actually, hindi boyfriend, asawa, eh. Kasi naghiwalay sila ni Yilmaz (Bektas), tumakas siya papunta dito.

“Nagulat ako sa kanya ‘yung maleta niya nandiyan pa rin sa sala, hindi tinatanggal. ‘O, bakit Ruffa?’ ‘Kasi kawawa naman mag-isa siya (Yilmaz).’ ‘Nakatakas ka na nga, babalik ka pa doon.” ‘Yung maleta niya isang buwan sa sala. Ako para akong tanga nagbabantay sa sala niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Grabe talaga ‘yun. Sabi ko, hindi naman sa ayaw kong mag-asawa ka ng mayaman. Okay na sa akin ‘yung hindi mayaman basta may trabaho lang,” Annabelle added.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending