#CoupleGoals talaga ang kinakarir ng mag-asawang Heart Evangelista at Sorsogon Gov. Chiz Escudero!
Nitong nagdaang weekend (Feb. 15) ay nag-celebrate ng kanilang 5th wedding anniversary ang power couple kasabay ang pangako nila sa isa’t isa na magmamahalan hanggang sa huli.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng Kapuso actress ang kanyang anniversary message para kay Chiz. Ni-repost ng aktres ang litrato nila ng asawa na kuha sa kanilang bonggang wedding sa Balesin Island Club sa Polilio, Quezon.
Aniya sa caption, “Five years down, forever to go, my love! Happy Anniversary–thank you for making me the happiest woman in the world. @escuderochiz.”
MOST READ
LATEST STORIES