Exclusive: Lilibeth Romero wala nang balak makipag-usap sa GMA

LILIBETH ROMERO AT EDDIE GARCIA

IN pain pa rin ang long-time partner ni Eddie Garcia na si Lilibeth Romero sa pagkawala ng veteran and multi-awarded actor.

Namatay si Manoy dahil sa aksidenteng nangyari sa taping ng isang teleseryeng ginagawa niya last year sa GMA 7.

“Hindi naman maiaalis ‘yun, ‘di ba? Kaya lang you have to psyche your mind to think differently. So, ngayon nakatawa ako. Baka ‘pag sakay ko ng kotse, iiyak na ako,” pahayag ni Ms. Lilibeth sa aming exclusive interview sa kanya during the 4th Ambassador’s Night ng Film Development Council of the Philippines.

Kabilang ang yumaong aktor sa mga binigyan ng pagkikilala ng FDCP sa pamumuno ni Chair Liza Dino bilang isa sa mga maituturing na icon sa movie industry dahil sa dami ng naiambag niya sa mundo ng pelikula.

Kasama rin sa listahan ng mga artistang binigyan ng award ang cast ng pelikulang “Rainbow Sunset,” kabilang na nga sina Manoy, Tony Mabesa at Kristoffer King (Kristo).

Si Ms.Lilibeth ang personal na tumanggap ng award ni Manoy and was given the chance na makapag-speech.

“Masayang malungkot. Masaya, dahil may award na naman siya, in life and after death,” sabi niya sa amin after she accepted the award of Eddie.

Every time na tatanggap ng award ang yumaong aktor kahit sa anong award-giving body ay lagi siyang nauunang dumating sa lahat ng mga artista.

“Ay, oo. At ang aga-aga namin. Siya palagi ang pinakamaagang dumarating. Kami rin ang pinakahuling umaalis,” pag-aalala ni Ms. Lilibeth.

Hanggang ngayon daw ay araw-araw pa rin niyang nami-miss ang kanyang partner. At sa kanyang pag-iisa, life is not the same anymore.

“Well, I have to move forward and I’ve been waiting for the enactment of the HP 181 which will be later, probably named, Eddie Garcia Law. I feel happy for his colleagues in the movie industry because, that’s his legacy and his gift,” aniya pa.

Kung hindi pa raw naaksidente si Manoy, wala pang ganitong batas na maipapasa kung saan buong industriya ang makikinabang.

“Oo, siguro. You know, offshoot ito ng aksidente niya, ‘di ba? Kaya napagtuunan talaga ng pansin ng gobyerno,” lahad pa niya.

Pero masaya naman siya sa pagpasa ng Eddie Garcia Law and she does not consider naman daw na na-justify nito ang aksidente na naging dahilan ng pagpanaw ni Manoy.

“No, it’s probably next lang ako sa pagmamahal sa kanyang puso.
Unang-una, ang kanyang career. So, I’m happy na may maiiwan siya sa kanyang mga colleague. At saka sa akin na ‘to, itong trophy,” tugon niya.

Nakatago pala kay Ms. Lilibeth ang mga trophy at awards ni Manoy, “Maraming humihiram sa mga trophy niya sa Bicol. Kaya lang, ang dami-dami paano ko naman dadalhin ‘yun sa Bicol.”

Lastly, kinumusta namin ang pakikipag-usap sa kanya ng GMA tungkol sa pagpanaw ni Manoy, “I haven’t talk to GMA, ever,” diin niya. “(Pero) Hindi na. Okey na. Hindi ko na mabubuhay si Eddie. So, nandoon na siya. No more miseries,” say pa niya.

Read more...