Carla, Tom nag-Valentine date sa book sale; namakyaw ng libro

CARLA ABELLANA AT TOM RODRIGUEZ

NAMAKYAW ng libro tungkol sa history at science si Tom Rodriguez!

Hindi napigilan ng Kapuso hunk na manggigil nang dalhin siya ng kanyang girlfriend na si Carla Abellana sa isang book sale kamakailan.

Binago ni Carla ang tradisyunal na celebration nila ni Tom ng Valentine’s Day dahil sa halip na mag-date at mag-dinner, sinorpresa niya ang boyfriend at dinala sa lugar na siguradong ikababaliw nito.

Ipinost ni Carla sa Instagram ang photo nila ni Tom kung saan makikita ang sandamakmak na librong nabili nila.

Caption niya sa picture, “And boy I was right. He ever uttered, “

‘You shouldn’t have brought me here, Mama.’ Now, where to put all these books, @akosimangtomas.”

Nag-reply naman si Tom sa comment ni @lynching7 sa pagpa-panic buying nila ni Carla ng books. Aniya, iniwasan pa niyang pumunta sa ibang section ng sale lalo na sa fiction, dahil sa history at science ay puno na yung cart na gamit.

“Gusto ko pang bumalik pero kailangang magpigil ahaha,” ani Tom.

 

Read more...