KOREAN word of the week: “Mo-reu-get-da” – ginagamit ito bilang isang Korean expression na katumbas ng “Bahala na” sa Filipino. Sa Ingles naman ito’y “I don’t know.”
* * *
Nagsimula nang maglabas ng teaser ang upcoming tvN drama na “Doctor Playbook” na kilala rin sa tawag na “Hospital Playlist” kung saan bibida ang Korean superstar na si Jo Jung Suk.
Isa itong medical drama tungkol sa matagal nang magkakaibigan na nagkakilala nang sila’y nasa medical school pa lang noong 1999 hanggang sa magkita-kita uli bilang mga doktor sa isang ospital.
Bukod kay Jung Suk, makakasama rin dito sina Kim Dae Myung, Jung Kyung Ho, Yoo Yeon Suk at Jeon Mi Do.
Ang dramang ito ay sa direksyon ni Shi Won Ho at writer na si Lee Woo Jung, na siya ring nasa likod ng mga seryeng “Reply” at “Prison Playbook.”
Mapapanood na ang “Doctor Playbook simula sa March 12.
* * *
Kinumpirma ng talent agency na 51K na bibida sa isang upcoming crime science-fiction film ang Korean superstar na si So Ji Sub kung saan makakasama niya ang iba pang malalaking artista.
Ididirek ng director na si Choi Dong Hoon ang star-studded film na hindi pa binanggit ang title.
Mga alien na nakatira sa South Korea ang magiging tema ng pelikula. Sinasabing expansion ito ng naunang pelikula ni Choi Dong Hoon na “Jeon Woo-chi: The Taoist Wizard.”
Ka-join dito sina Kim Woo Bin, Ryu Jun Yeol, Kim Tae Ri, Yum Jung Ah, Jo Woo JIn, Honey Lee at Kim Eui Sung.
Dahil sa pagkakaroon ng star-studded cast na pelikula ay umani ito ng atensyon sa madla.
Hindi pa makapagbigay ang agency ni Ji Sub sa detalye ng karakter na gagampanan ng Korean heartthrob dahil kasalukuyan pang top-secret ang nasabing proyekto.
Sinasabing magkakaroon ng dalawang installment ang pelikula na inaasahang mapapanood sa 2021. Magsisimula ang filming nito sa Marso at tinatayang aabot ng 10 buwan.
Kasalukuyang ginagawa ngayon si Ji Sub ang pelikulang “Confession.”