NAPA-WOW ang madlang pipol sa bumanderang hubo’t hubad na katawan ni Anne Curtis sa social media ngayong araw.
Kuha ang mga litrato sa maternity shoot ng Kapamilya TV host-actress kung saan makikita siyang nakahubad habang nasa sofa. Kuha ang mga ito ng sikat na celebrity photographer na si BJ Pascual.
Tinatakpan naman ng mga kamay niya ang kanyang mga dibdib.
Ipinost ito ni Anne sa kanyang Instagram sa araw mismo ng kanyang kaarawan ngayong araw, Feb. 17.
“Birthday Suit. I have been so amazed how my body has changed, created and grown a little human being – I can feel her little hiccups, her big kicks in my ribs and squirming around in me every single day.
“Not too long till my little girl meets the outside world and she will be the best gift I have ever received in my life,” bahagi ng caption na inilagay niya sa kanyang IG post.
“Thank you for your birthday greetings everyone! Sending out light and love to all of you!” mensahe ni Anne.
Nakatakdang manganak ngayong buwan si Anne sa panganay nila ni Erwan.