Motor sumemplang: kawal sugatan, misis patay

SUGATAN ang isang sundalo at nasawi ang kanyang misis nang sumemplang ang kanilang motorsiklo, sa Gamu, Isabela, Linggo ng hapon.

Dinala sa pagamutan ang sundalong si Mark Lan-lan Tamayo, nakatalaga sa Army 5th Infantry Division, at misis niyang si Jzel, 30, ngunit di na umabot nang buhay ang huli, ayon sa ulat ng Isabela provincial police.

Naganap ang insidente dakong alas-9:40, sa bahagi ng National Road na malapit lang sa kampo ng 5th ID sa Brgy. Upi.

Minamaneho ni Tamayo ang motor patungong Ilagan City, pero nang malapit na sa boundary ng lungsod ay sumemplang ang sasakyan, ayon sa ulat.

Inaalam pa ng lokal na pulisya ang sanhi ng insidente.

Read more...