Sikat na aktres galit pa rin sa ex-dyowa; pati anak damay | Bandera

Sikat na aktres galit pa rin sa ex-dyowa; pati anak damay

Cristy Fermin - February 16, 2020 - 12:40 AM

ANG mga umpukang showbiz ang pinakamaraming kuwento tungkol sa buhay ng mga artista. Personal kasi nilang nakakasama-nakakatrabaho ang mga personalidad.

Nu’ng isang gabi ay nasentruhan ng kuwentuhan ang isang popular na singer-actress na hanggang ngayon kuno ay hindi pa rin nakaka-move-on sa nakaraan nilang relasyon ng isang kilalang male personality.

Kuwento ng isang source, “Ilang dekada na ang nakararaan, pero hanggang ngayon, e, hindi pa rin nakakalimutan ng female personality ang itinuturing niyang first love.

“Aminado naman siya du’n, unang pag-ibig niya ang male personality, pero du’n daw siya nakaranas nang pinakamatinding sakit,” unang chika ng aming impormante.

May mga dating kasambahay ang singer-actress na nagkukuwento na pinanonood pala niya ang seryeng nandu’n ang kanyang ex.

“Kung talagang galit na galit pa rin siya du’n sa ex niya, dapat, e, hindi niya na nasisikmurang panoorin pa ang taong ‘yun!

“Sabi nga niya, e, sinaktan daw siya nang husto ng lalaking ‘yun, pero bakit pinanonood pa rin niya? Ibig sabihin, hindi pa rin siya nakapagmu-move-on, matindi pa rin ang pag-alala niya sa nakaraan nila,” sabi naman ng isang source sa umpukan.

‘Yun ang naiisip na dahilan ng magkakaumpukan kung bakit ang nagsasakripisyo ngayon sa nakaraan nila, e, ang walang kamuwang-muwang nilang produkto! Nakakaawa naman ang girl, siya ang nalalagay sa alanganin, e, hindi niya naman kasalanan ang nangyari sa relasyon ng mga magulang niya!

“Natsa-channel ang galit nu’ng babae sa ex niya sa naging produkto nila! Tama ba naman ‘yun? Nakakaawa naman ang girl na walang magawa kundi ang tanggapin na lang ang galit ng nanay niya!

“Kung minsan talaga, e, ang mga anak ang nagsasakripisyo sa kuwento ng buhay ng parents nila, e! Wala silang kasalanan, pero sila ang nagbabayad, napaka-unfair naman ng ganu’n!” naiinis na pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, hindi na kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending