Alaska hina-harass ng SMB?

Lucky Shot by Barry Pascua

HINA-HARASS nga ba ng San Miguel Beer ang Alaska Milk sa kaso ni Samigue Eman na biglang lumipat sa kampo ng Aces bilang “unrestricted free agent” at pumirma kamakailan ng three-year contract?Ito kasi ang nababasa ng karamihan sa mga ‘blogs’ na naka-post sa internet. Sinasa-bi pa ngang mismong si Alaska Milk team owner Wilfred Steven Uytengsu ang nagsa-sabing hina-harass sila ng San Miguel sa naganap na ito.Kasi nga, si Eman ay inilaglag ng Beermen sa line-up upang maipasok sa active duty ang two-time Most Valuable Player na si Danny Ildefonso sa simula ng semifinals ng PBA Philippine Cup kontra Purefoods.Bilang unrestricted free agent ay puwedeng lumipat si Eman sa ibang team o kunin siya ng ibang team nang walang nakukuhang kapalit ang Beermen. So, iyon na nga ang nangyari. Pero mas malalim pala roon ang kuwento.Kasi noong nakaraang Huwebes ay nakipag-usap pa nga si Eman sa pamunuan ng Beermen matapos na kunin ang kanyang bonus “for entering the semis.” Sumang-ayon diumano si Eman sa plano ng Beermen na i-trade siya sa Burger King kapalit ng first round pick ng Whoppers sa susunod na season.At ang ultimong kalalabasan ng trade ay mapupunta si Eman sa Barangay Ginebra na nangangailangan ng isang big man. Hindi nga kasi puwedeng direktang mag-trade ang San Miguel at Ginebra dahil sa sister teams sila.Sa araw ding iyon ay nagkasundo na ang San Miguel at Burger King sa trade subalit noong Lunes lang nila ipinadala ang notice sa PBA Commissioner’s Office.Pero matapos ang paki-kipag-usap na iyon ay dumiretso pala si Eman sa Alaska at nakipagkasundo sa isang three-year contract. Kinabukasan ay na-finalize ang pirmahan at naunang ipinadala ng Aces ang notice sa PBA Commissioner’s Office.So, dahil naunang dumating ang notice ng Aces kahit na nauna ng isang araw ang trade, natural na sinang-ayunan na ng liga ang paglipat sa Alaska ni Eman.Tapos ang kwento.Pero ayon sa pamunuan ng San Miguel, ‘matter of clarification’ lang ang hinihingi nila sa PBA dahil sa nauna nga ang petsa ng trade kaysa petsa ng pagpirma sa Alaska.“Hindi ko na nga iniisip iyan, e. Ayaw kong ma-distract ang San Miguel sa semifinals series against Purefoods. Kung gusto ni Eman na lumipat, desisyon niyaiyon,” ani Robert Non ng San Miguel Corporation.“Pero siyempre, nawalan kami ng player at nawalan din ang Burger King. Kasi nga, okay na ang trade namin.”Ayon kay Non, hindi naman sila nagpo-protesta. Kung ano raw ang maging final decision ni Commissioner Renauld “Sonny” Barrios, ay susundin nila.Nasaan ang harassment?Masama ba’ng humingi ng paglilinaw hinggil sa kara-patan ng isang ballclub?

BANDERA, 021910

Read more...