ABS-CBN franchise di na matatalakay ng Kamara

HINDI na matatalakay ng Kamara de Relresentantes ang prangkisa ng ABS-CBN bago Ito mapaso sa Marso 30.

Ito ang inamin kahapon ni House Speaker Alan Peter Cayetano kasunod ng mga batikos at panawagan para aksyunan ang nakabinbing renewal ng prangkisa ng broadcast giant.

Sinabi niya na posibleng sa muling pagbabalik ng sesyon ng Kamara sa Mayo matapos ang kanilang Holy Week break masisimulan ng House Committee on Legislative Franchises ang pagtalakay sa prangkisa ng Lopez-led corporation.

Paliwanag ni Cayetano, maraming mas urgent na isyu na kailangang unahing dinggin ng Kamara tulad ng supplemental budget at rehab plan sa Taal Volcano eruption at ang banta ng COVID-19.

Pero paglilinaw ng Speaker, hindi ito nangangahulugan na hindi nila pinahahalagahan ang nasa 11 libong empleyado na posibleng maapektuhan ng pagsasara ng kumpanya.

Katunayan aniya ay maaari pa rin naman magpatuloy ng operasyon ang media network hanggang 2022 habang nakabinbin ang panukala para sa kanilang franchise.

Habang wala pang pagdinig na ginagawa ay hinikayat ni Cayetano ang mga pabor at tutol na magpalamig muna ng ulo sa usapin.

Katwiran pa niya, kung ipipilit ng komite ang hearing ay tiyak na magtatagal ito sa paglalahad pa lamang ng punto ng magkabilang panig.

Read more...