Anne tutok sa DOTS ng GMA; ‘slow motion pakilig’ ng DongJen viral na

DINGDONG DANTES AT JENNYLYN MERCADO

KAHIT certified Kapamilya, hindi nagpaawat si Anne Curtis sa pagsuporta sa bagong primetime series ng kapatid na si Jasmine Curtis sa GMA 7.

Isa si Jasmine sa cast members ng Pinoy version ng Korean hit series na Descendants of the Sun na nagsimula nang umere last Monday sa GMA Telebabad block. Makakatambal niya rito si Rocco Nacino kasama sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.

Talagang nag-post pa si Anne sa kanyang social media account ng moral support para sa kapatid na gaganap bilang Capt. Moira Defensor, ang karakter na unang ginampanan ng Korean star na si Kim Ji-won sa original DOTS.

Tweet ni Anne, “Goodluck to my Sestra and the whole cast of DOTS Philippines adaptation as they premiere tonight! Can’t wait to see you as Cpt. Moira Defensor! SLS was strong when I was watching the original. Was super rooting for both SL’s!!!! so happy for you Sestra! @jascurtissmith.” Reply naman sa kanya ni Jasmine, “Awww I love you, sestra!!!! Thank you so much youdabesssssssss!!!!”

Samantala, patok sa netizens ang slow motion effect sa ilang eksena ng Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation. Inspired sa mga Korean drama ang ganitong mga eksena kaya naman tuwang-tuwa ang avid fans ng Koreanovela na tumututok ngayon sa DOTS ng DongJen.

Viral na ngayon ang isang eksena sa pilot episode kung saan napanood ang first encounter nina Captain Lucas (Dingdong) at Dr. Maxine (Jennylyn) na naganap sa isang supermarket. Ayon sa netizen na si Kaihla Bongco, “Kdrama feels. Galing! Pati yung effects!”

Dagdag ni Genesis Bildan, “Pati end credits ala Koreanovela!” Na sinegundahan naman ni Mary Ginintuan ng, “Love it! K-Drama vibes ang datingan. Keep it up, GMA!”

Tutukan ang mga susunod pang pampakilig at maaaksyong eksena sa Descendants of the Sun after Anak ni Waray vs Anak ni Biday sa GMA Telebabad.

Read more...