HAPPY and proud to be single ang Kapamilya actress na si Cristine Reyes.
Hindi man niya diretsahang inaamin ang paghihiwalay nila ng kanyang estranged husband na si Ali Khatibi, mukhang naka-move on na siya sa pagkasira ng kanyang married life.
Ayon sa lead star ng suspense-drama film na “Untrue”, bukod sa trabaho, focused siya ngayon sa pagiging single mom sa anak nila ni Ali na si Amarah. At kitang-kita naman sa aura niya ang kaligayahan kahit wala siyang dyowa ngayon.
“I’m totally fine na. I’m more focused with Amarah, I’m more focused with myself and to be honest I’m more focused to be learning about God,” pahayag ni Cristine.
At tungkol naman sa estado ng relasyon nila ni Ali, “We’re on good terms, especially with things we have to do when it comes to Amarah.”
Maraming realizations at lessons in life na natutunan ang aktres sa mga nangyari sa kanyang buhay nitong mga nakaraang taon, kabilang na ang pagmamahal sa sarili at maging positibo sa gitna ng mga kanegahan.
“Biggest lesson that I’ve learned is always try to listen to people who truly cares for you. Sometimes you don’t see things eh, without thinking,” aniya pa.
Ikinasal sina Cristine at Ali sa Balesin island noong 2016. Kumalat naman na naghiwalay na ang dalawa noong 2018 at napabalita ngang hindi na umuuwi sa bahay nila ni Cristine si Ali.
Samantala, proud na proud naman si Cristine sa bago niyang movie, ito ngang “Untrue” kasama si Xian Lim under Viva Films directed by Sigrid Bernardo. Aniya, matindi ang hirap at sakripisyo nila para lang mapaganda ang pelikula.
Kinunan ang kabuuan ng pelikula sa Tbilisi, Georgia, na tumatalakay sa kuwento ng dalawang taong nagkainlaban ngunit nauwi sa bayolente at madugong relasyon. The film has also joined various film festivals in and out of the country.
“We always see these kind of films sa Hollywood but this time it’s a Filipino movie. Ang galing ni Xian at noong napanood ko na ang buong pelikula hindi ko nakita si Xian Lim doon, nakita ko siya as Joaquin. That’s his character,” pahayag ni Cristine.
Sumailalim sa ilang araw na rehearsal at workshop sina Cristine at Xian bago pumunta sa Georgia, “Three weeks lang ‘yung meron kaming time roon and everyday work kami, wala kaming bakasyon, so kailangan talaga masunod lahat ng sequence doon.”
Sabi naman ni Xian, “Sobrang lamig sa Georgia, parang pa -1 (degrees Celsius), kaya extra challenging. Ang lakas ng hangin, drama pa yung ginagawa namin, kaya ang hirap talaga.”
Showing na sa mga sinehan ang “Untrue” sa Feb. 19.