CHITO MIRANDA sa nagpakalat ng SEX VIDEO nila ni NERI NAIG: Hindi ninyo kami matitinag!

BUTUAN City—Follow-up ito sa nasulat namin kahapon tungkol sa kumalat na sex video ng magkasintahang Chito Miranda ng Parokya ni Edgar at ng aktres na si Neri Naig.

Hindi naman itinanggi ng bokalista ang tungkol sa sex video at humingi na nga siya ng pasensiya sa pamamagitan ng Facebook account ng kanilang banda na may tatlong milyong followers, pati na rin sa kanyang Instagram.

“We are truly saddened by the fact na may nag-leak na private video of me and my girlfriend, Neri Naig. Humihingi po ako ng paumanhin sa mga pamilya namin for this unfortunate incident. Thank you for your prayers,” aniya.

Ikinuwento ni Chito na pinasok ang kuwarto niya kamakailan at kasama sa nawala ay ang hard disk drive na pinaglalagyan ng mga pribadong video at litrato nila ni Neri.

Kasabay nito ay nag-post ulit si Chito ng litrato nila ni Neri at sinabing, “Hindi ninyo kami matitinag.” Samantala, suportado pa rin ng fans si Chito at sinabing maski na anong iskandalo pa ang kasangkutan niiya ay hindi pa rin mababago ang paghanga nila sa grupo.

( Photo credit to Google )

Read more...