CHARICE: Ang pogi-pogi ko naman! Ganu’n na ang level!

MAS palaban pala si Alyssa Quijano kesa sa karelasyon niyang si Charice. Ibinuking mismo ng international singer ang kanyang girlfriend nang makachikahan namin siya sa exclusive interview ng Philippine Daily Inquirer kamakailan.

Ayon kay Charice, kapag daw may nababasa si Alyssa na mga kanegahang komento tungkol sa kanya sa Twitter or Instagram ay talagang pumapatol daw ito, lalo na kapag below the belt na ang mga pinagsasasabi.

“Oo, talagang pinapatulan niya. Sinasagot niya. Siya ‘yung naaapektuhan kapag may mga naninira o nanlalait sa akin sa Twitter,” chika ni Charice.

Sagot naman ni Alyssa, “Hindi naman, pero kasi hindi na talaga siya (Charice) pumapatol sa mga bashers. So, kapag meron akong nababasa na mga tweets na alam kong hindi naman totoo, ‘yung mga gusto lang makapanira ng kapwa nila, sinasagot ko talaga.

Pero hindi naman ‘yung nambabastos na ‘yung dating ko.” Tinanong si Charice kung ano ang nagbago sa relasyon nila ni Alyssa mula nang umamin siyang tomboy? “For the better? Ha-hahaha! Chos! When people see us now, I feel the respect.”

Na sinundan naman ni Alyssa ng, “I’m happy because we don’t need to hide anymore. There are bashers, but we have each other.”
Hindi naman daw magiging stage girlfriend si Charice kapag umariba na rin ang career ni Alyssa bilang singer, pero niya, “If Alyssa needs help, I’m here. I’m honest with her.

I also ask her opinion on my performances. She often tells me, ‘Okay lang, ang pogi-pogi mo!’ Chos!”  Sa pagkukumpara naman sa kanya sa itsura at buhok nina Daniel Padilla at Justin Bieber, nakaka-flatter naman daw talaga sey ni Charice.

“Yung pare ko kasing ’yun…hahahaha! Of course I’m flattered, napakapogi ko naman! Daniel was such a good sport. Pero si Justin ’di nagsasalita, eh!” tawa pa rin nang tawang pahayag ng singer.

Nausisa rin sa kanya ang tungkol sa mga kontrobersiyal na hairstyle niya sa X Factor Philippines na talagang nilait-lait ng mga manonood at mga bashers sa Twitter, lalo na ang maalamat na “pancit canton” hair.

“Ha-hahaha! Wala lang, nang-iinis! I started with straight hair, and then I did the infamous pancit canton and ‘Chucky’ hairstyles. I couldn’t say who I was.

Naiinis ako. Nag-iiwan na nga ako ng mga clue, eh! It was also on X Factor that I got negative comments about being suplada. I  just wanted to be the show’s Simon Cowell.”

( Photo credit to Google )

Read more...