Kilalang aktor dedma sa trabaho pag nababaliw sa pag-ibig

WALA naman kasing pagsisisi sa una, palaging nasa huli, magsisi man tayo nang wagas ay wala na tayong magagawa dahil tapos na ang lahat.

Ganu’ng-ganu’n daw ang nangyari sa isang pamosong male personality na mahabang panahong iniwasan ang kanyang karera para sa personal niyang kaligayahan.

Maraming nasayang na oportunidad, sabi nga ng iba, pero depensa naman ng mga kaibigan ng aktor ay wala siyang sinayang dahil naranasan niya namang lumigaya.

Kuwento ng isang source, “Ganu’n talaga siyang magmahal, very passionate siya, hindi siya nagmamahal nang fifty percent lang, bigay-todo talaga siya!

“Alam mo kapag in-love na in-love si ____ (pangalan ng sikat na lalaking personalidad), bigla siyang nawawala sa gitna ng aksiyon!

“Nagsasarili siya, talagang inaangkin niya ang buong mundo kasama ang girlfriend niya. Ganu’n siya, alam ng mga friends niya kapag maligaya ang lovelife niya!” unang chika ng aming impormante.

Marami siyang isinasakripisyo, hindi siya nanghihinayang sa mga napapalampas niyang pagkakataon, nakasentro lang ang atensiyon niya sa babaeng magpapaligaya sa kanya.

Patuloy ng aming source, “Kahit ang mga kaibigan niya, e, hindi na lang kumikibo kapag in a relationship siya. Madali namang malaman ‘yun, e! Humihiwalay siya sa grupo, madalas siyang mag-abroad, talagang kanyang-kanya ang mundo.

“At madali ring malaman kapag on the rocks na ang pakikipagrelasyon niya, bigla siyang nakakaalala, sumasama na siya sa lakad ng mga kabarkada niya.

“Nagpaparamdam na siya, join na siya sa nomo-nomo, ang ibig sabihin nu’n, e, hindi na maganda ang takbo ng lovelife niya!

“LIke ngayon, sumasama-sama na siya sa mga katropa niya, hindi na siya kailangang tanungin pa ng mga taong sobrang nakakakilala sa kanya, wala na siyang pag-ibig!

“Tapos na ang episode na ‘yun ng pakikipagrelasyon niya, malaya na siya, kaya join the club na naman siya! Babawi na naman siya sa lost time, aarte na uli siya, magtatrabaho na uli siya!” nakangiting pagtatapos ng aming source.

Wala nang kailangang clue, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, bigay na bigay na kung sino ang male personality na bumibida sa kuwentong ito!

Read more...