ANG anak na si Ellie ang ka-date ni Jake Ejercito ngayong Valentine’s Day.
Nakausap ng ilang members ng entertainment press si Jake sa last shooting day ng una niyang movie na “Coming Home” na pinagbibidahan ng kuya niyang si Jinggoy Estrada.
“Well, kasama ko si Ellie, siya ang ka-date ko. I cannot ask for more!” bulalas ni Jake.
“Ilang years namang laging si Ellie ang ka-date ko. Masaya naman! Enjoy naman kaming dalawa. Ha! Ha! Ha!” dagdag niya. Aniya, gusto muna niyang ibigay ang lahat ng oras at pagmamahal niya sa anak.
“Hindi naman po kasi ako naghahanap (ng girlfriend). For the meantine, okay na po muna ako kay Ellie. Masaya na ako with my daughter. Hindi ako naghahanap ng romantic relationship sa ngayon and I know darating at darating yung tamang panahon for that,” sabi pa ni Jake.
Sa tanong kung totoo bang siya lang ang hindi babaero sa pamilya? Nag-isip muna sandali ng kanyang isasagot ang binatang ama.
Pero biglang humirit ang katabing si Sen. Jinggoy nang marinig ang tanong, “May anak na nga, eh!” sabay tawa.
Umingay ang pangalan ni Jake nang isama siya sa phenomenal Kalye Serye ng Eat Bulaga kung saan nakasama niya sina Alden Richards at Maine Mendoza. May mga pumabor sa loveteam nina Jake at Maine pero marami rin ang nam-bash.
Sa katunayan, kahit tapos na ang Kalye Serye ay nakakatikim pa rin siya paminan-minsan ng bambabatikos mula sa ilang AlDub fans.
Diretso naming tanong sa kanya, hindi mo ba talaga niligawan si Maine that time? “Hindi naman po. We became very close friends, naging maganda rin yung experience ko sa kalye serye,” sagot niya.
Bigla uling sumingit si Sen. Jinggoy sa interview at nagtanong ng, “Sino ‘yon? Sino ‘yon?” Na tinawanan lang ni Jake at ng press sabay mention sa pangalan ni Maine.
“There was a time we became good friends. I’ll be forever grateful and indebted sa Eat Bulaga and also sa kanya,” pahayag pa ni Jake.
Posible kaya na mapagbigyan ang mga fans nila ni Maine na magsama uli sila sa isang project?
“Hindi ko po masasagot ‘yan. I guess, why not? Pero hindi ko pa rin nagta-try ang comedy. Ibang challenge naman ‘yon,” katwiran ni Jake.
Sa unang movie ba niyang “Coming Home” todo drama at crying scenes ba ang ginawa niya?
“Hindi naman po. Hindi ko pa kaya ‘yon! Ha! Ha! Ha! Siguro more acting workshops pa. Hirap talaga akong umiyak, e,” diin pa ng anak ni dating Pangulong Erap Estrada.
Pero aniya, sana raw ay magustuhan ng manonood ang akting niya sa “Coming Home” lalo pa’t ang gagaling lahat ng kasama niya sa movie tulad nga ng kuya Jinggoy niya, sina Sylvia Sanchez, Martin del Rosario, Edgar Allan Guzman at marami pang iba.
Ang “Coming Home” ay sa direksyon ng award-winning director na si Adolf Alix, Jr. at nakatakda rin itong ilaban sa 2020 Summer Metro Manila Film Festival sa Abril.