P189M jackpot ng Ultra Lotto hindi tinamaan

WALANG tumama sa P189.4 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola noong Martes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang nakakuha sa winning number combination na 38-34-23-50-58-33.

Dalawang mananaya na nakakuha ng limang numero ang nanalo ng tig-P280,000.

Nanalo rin naman ng tig-P2,950 ang 363 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 9,418 mananaya na nakatatlong numero.

Binobola ang Ultra Lotto tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Read more...