P68M shabu nasabat ‪sa 2‬ banyaga sa QC

ARESTADO ang dalawang banyaga nang makuhaan ng aabot sa P68 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Quezon City, Martes ng umaga.

Nakilala ang dalawa bilang sina Lawrence Ikegwuruka, 27, Nigerian; at Michella Augustine, 23, na katutubong Malagasy sa bansang Madagascar, ayon sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Kapwa nakatira ang dalawa sa Brgy. Ligas III, Bacoor City, Cavite.

Isinagawa ng PDEA-National Capital Region at Intelligence and Investigation Service ang operasyon sa Don A. Roces ave., Brgy. Paligsahan, dakong alas-9:30.

Nakuhaan ang mga suspek ng aabot sa 10 kilo ng umano’y shabu.

Hinahandaan na ang mga suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Law.

Read more...