Tom saludo sa tapang ni Carla kahit may sakit

CARLA ABELLANA AT TOM RODRIGUEZ

Hinangaan ni Tom Rodriguez ang girlfriend na si Carla Abellana nang isapubliko ang mga karamdaman nito – hypothyroidism, tachycardia, asthma at damage sa liver.

“In that way, it’s nice that she’s been able to bridge the gap with other people that have felt alone. Akala nila sila lang ‘yung mayroon nito, hindi ma-explain sa iba,” sey ni Tom.
Ayon kay Tom mahirap para sa kanyang girlfriend na isapubliko ang dinaramdam na mga sakit pero mas pinili nito ang magpakatotoo para magsilbi ring inspirasyon sa iba pang may katulad na sakit.
Kung matatandaan inamin ni Carla na tumaba siya nang dahil sa pagpapainom ng doktor sa kanya ng steroids na hindi naman pala dapat. Pero ngayon ay bumabalik na ang kanyang ideal weight.

Well, at least, ngayong magkasama sina Tom at Carla sa seryent Love of My Life ng Kapuso network, mas lalong maaalagaan ng aktor ang GF.

Read more...