Arci kinilig nang makilala ang ‘Fast & Furious’ actress sa Oscar party

 

Dream come true para kay Arci Muñoz ang makaharap up close and personal ang Hollywood actress na si Michelle Rodriguez na sumikat sa “Fast & Furious” movies.

Nakapagpa-picture pa ang Kapamilya actress kay Michelle sa ginanap na Oscar party sa Beverly Hills, California.

Ipinost ni Arci ang picture nila sa Instagram na kuha naman sa 2020 Hollywood Global Ocean Gala, kung saan present din ang mga idol niyang sina Uma Thurman at Sharon Stone.

“Girl crush forevah!!!” caption ni Arci sa photo nila ni Michelle na napanood din sa “Resident Evil”, “S.W.A.T.” at “Avatar”.

 

Read more...