ITINANGGI ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na may kinalaman si Pangulong Duterte sa paghahain ni Solicitor General Jose Calida ng quo warranto petition laban sa ABS-CBN kung saan pinapabawi niya ang prangkisa nito sa Korte Suprema.
“Oh nothing, definitely nothing to do. Moreover, let me just stress this: It’s Congress that has the authority to grant or to renew, not the President. Hindi ang President; Kongreso ang magbibigay niyan. And as you know, the practice of the President, he does not interfere with the function of Congress,” sabi ni Panelo.
Idinagdag ni Panelo na sariling desisyon ni Calida ang paghahain ng petisyon laban sa ABS-CBN.
“What I know of the President’s style is, if you want to do something in relation to your job, do it. Let the law takes its course. Palagi iyan ang sinasabi niya sa lahat eh,” ayon pa kay Panelo.
Sinabi pa ni Panelo na may basehan din si Duterte sa kanyang mga naunang pahayag laban sa ABS-CBN.
“You must remember that there is a basis for his expression of displeasure. He was a victim of fraud. And when he expresses that, that expression falls within the freedom of expression which we cannot deprive a President of given that all citizens are entitled to that. But it doesn’t mean nor has it anything to do with the petition filed by the Solicitor General because that is the job of the SolGen. And if he does not do that, then he would be charged with dereliction of duty,” giit ni Panelo.
Kasabay nito, iginiit ni Panelo na walang koneksyon sa kalayaan sa pamamamahayag ang paghahain ng quo warranto petition ni Calida.
“Eh wala ngang koneksyon iyong press freedom eh. Kasi unang-una, ang Congress nga ang magga-grant o magri-renew eh. Iyon namang isa, nag-file ng petition kasi trabaho naman niya iyon. So wala,” sabi pa ni Panelo.
Pinayuhan pa ni Panelo ang mga artistang nananawagan na ikonsidera ang desisyon kaugnay ng prangkisa ng ABS-CBN na sa Kongreso umapela at hindi kay Duterte.
“Mali iyong kanilang pinapakiusapan. Dapat makiusap sila sa Congress na i-renew iyong lisensya. Kasi kay Presidente, wala naman siyang ano doon, wala siyang pakialam doon. Pangalawa, ang hukuman naman ang magdi-decide noon, hindi rin siya. So palaging outside de kulambo siya doon eh; wala siya doon eh. But I can understand the feelings of people in ABS – natural lamang iyon,” paliwanag pa ni Panelo.