Hollywood stars na-shock sa Pinoy viral student sa mall

NATUNTON na kung sino ang Pinoy student na hinangaan ng foreign singers na sina Kelly Clarkson, Pussycat Dolls lead singer Nicole Scherzinger at Sam Smith dahil sa version nito ng “Too Good at Goodbyes”.

       Naging viral ang pagkanta sa isang videoke store sa loob ng mall ng nasabing teenager na plakadung-plalado ang boses ni Sam Smith. Ilang milyong views na ang hinamig nito ngayon dahil nga kumalat na ito all over the world.

       Tweet nga ni Sam sa video, “Who is this kid!!!!? You are out of this universe whoever you are.”

       Ayon naman kay Kelly Clarkson, “This video has been going around my team as well!!! This kid is insane!!!”

       Ang viral teenager ay si Carl Malone Montecido, 21 years old mula sa Bacolod City. Isa siya sa top 64 ng GMA singing competition na The Clash gamit ang screen name na Steven Clarcson.

Ang video ay unang in-upload sa Facebook ni Trixie Madison last Wednesday. 

At pagkatapos nga itong i-share ni Sam Smith sa kanyang social media account, umabot na ito sa 8.5 million views, almost 500,000 reactions, 30,000 comments at 300,000 shares.

Read more...