HEART month ngayon kaya inisa-isa namin ang mga fun tips na makatutulong para mas maalagaan ang iyong puso:
1. Magsepilyo, mag-floss
Did you know na ang sirang ngipin ay may kaugnayan sa di magandang lagay ng puso? Ayon sa pagsusuri, ang pagsesepilyo at paggamit ng dental floss ay nagpapahaba ng tatlong taon sa buhay ng tao. May mga mikrobyo na galing sa bibig na posibleng dumaloy sa dugo at tumama sa puso.
2. Mag-alaga ng aso
May pag-aaral na ang mga pasyenteng may alagang aso sa bahay ay mas humahaba ang buhay ng tatlong taon. Mas nakakarekober kasi sila sa atake sa puso at ito ay dahil nagbibigay ng pagmamahal ang aso.
3. Laughter is the best medicine
Ang pagtawa ay nagbibigay saya at sigla sa katawan kaya kung keri mong tumawa at least 15 minutes kada araw, solved na! May mga endorphins kasi na inilalabas ang ating katawan kapag ang isang tao ay masaya, nakakalakas din ito ng immune system.
4. Kumain ng saging
Ang saging ay may potassium para sa normal na tibok ng puso. May tryptophan din ito na nagpapasaya sa tao. Ang saging ay walang taba, kolesterol at asin na nakakasama sa puso.
5. Chillax
Kasama na rito ang pagtulog nang sapat o pito hanggang walong oras bawat gabi. Kung pagod sa trabaho, umupo, ipikit ang mata at mag-relax ng 10 minuto.
6. Huwag magalit
Ang pagiging laging galit at mainitin ang ulo ay nakasasama sa puso. Tataas din ang iyong presyon at baka ito ay humantong sa stroke o atake sa puso.
7. Piliin ang mga kaibigan
Magandang may mga kaibigan ka na masasabihan ng iyong problema. Ayon sa pagsusuri, halos 90 porsiyento ng stress ay matatanggal kapag ikaw ay nakikipag-usap sa isang maunawain na kaibigan.
8. Maging “in-love”
Kapag may minamahal ka sa buhay, sumasaya at sumisigla ang iyong katawan. Ayon sa isang pag-aaral, halos pitong taon ang ihahaba ng buhay ng taong may minamahal. Ang pagdarasal at pagtulong sa kapwa ay nagbibigay din ng benepisyo para sa atin at maging sa ibang tao.