MAY iba’t ibang paraan kung bakit nahahawa ang isang tao ng novel coronavirus:
1. Direct transmission
Ito ay ang direktang pagkahawa sa sakit sa pamamagitan ng pagbahing o pag-ubo ng isang may dala ng virus.
2. Contact transmission
Ito ay ang pagkakahawa sa sakit sa pamamagitan ng paghawak ng mga bagay na hinawakan ng infected ng virus lalo pa’t kung ang mga hinawakan niya ay inihipo muna niya sa kanyang bibig, ilong o mata.
3. Aerosol transmission
Ito ay ang pagkakahawa sa pamamagitan nang pagkakahalo ng droplets ng may virus sa hangin na posibleng bumuo ng aerosol na siyang maaaring magdala ng impeksyon sa makalalanghap nito.
MOST READ
LATEST STORIES