Valentine concert nina Jennylyn at Dennis soldout; 12 ang special guest

ABOT-LANGIT ang pasasalamat ni Ms. Becky Aguila bilang isa sa producer ng “Co Love Live” concert nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Soldout na kasi ang nasabing Valentine show na gaganapin sa New Frontier Theater sa Peb. 15. At hindi pa sure kung magbebenta pa ng extra ticket para sa SRO (standing room only).

Hindi rin kasi in-expect ng producers na sina tita Becky, Atty. Joji Alonso, pati na nina Jen at Dennis na mauubos agad ang tickets kasi nga kaliwa’t kanan ang kaganapang nangyayari ngayon sa bansa.

Sabi ng manager ni Jennylyn, “We were not expecting a soldout concert ‘coz ang daming kalaban and maraming ganap, may ash fall because of Taal and the deadly corona virus. Thankful and grateful kami.

“The concert’s really nice and one of a kind. It’s an experience you wouldn’t forget. You will feel different emotions because it will tackle falling in love, heartbreak, falling out of love, forgiveness and getting back together, accepting each other’s weakness and making sure that love is lovelier and more meaningful the second time around. It’s also about their story,” sabi sa amin.

At dahil 12 artists ang special guests sa concert kaya biniro namin si Ta Beck na parang isang musical play na ito. Sagot niya sa amin, “Yes it’s a musical play and first time ni Direk (John) Prats ng ganitong concept.”

Isa pang dahilan kaya siguro soldout ang tickets bukod sa Araw ng mga Puso ay dahil maraming nakakapanood ng collab show nina Jen at Dennis sa kanilang YouTube channel na umaabot sa milyon views. At marahil dito nagkaideya ang mag-sweetheart na bakit hindi nila ito gawing concert.

Ang “Co Love” ang unang pagsasamahan at ipo-produce na concert nina Jen at Dennis.

Ang 12 artists na kasama sa show ay sina Carlo Aquino, Alex Gonzaga, Janno Gibbs, Kim Molina, Jerald Napoles, Nyoy Volante, Juan Karlos Band, Jay Durias, Nar Cabico, Nico Antonio, Alden Richards, at ang spoken word artist na si Juan Miguel Severo.

Samantala, ipinakita sa amin ni tita Becky ang disenyo ng stage na gawa ni Teddy Manuel na kahit nasa balcony ang manonood ay makikita nila nang malinaw ang nangyayari sa stage dahil sa naglalakihang LED monitors sa magkabilang gilid.

Ang musical director ng show ay si Adonis Tabanda ng 3rd Avenue at si direk John Prats naman para sa TV.

Nabili na rin ng GMA 7 ang TV rights ng “Co Love” concert nina Jen at Dennis.

Read more...