#Sosyal: Vice, Ion nagpapakaligaya sa Amanpulo kaya absent sa Showtime

SINAGOT ni Vice Ganda ang lahat ng mga nagtatanong kung bakit ilang araw na siyang absent sa It’s Showtime.

Ito’y sa pamamagitan ng mga litratong ipinost niya sa Instagram kung saan makikita ang sweet moments nila ng kanyang boyfriend na si Ion Perez.

Nagbabakasyon ang magdyowa sa sosyal at isa sa super expensive na beach resort sa Pilipinas, ang Amanpulo na matatagpuan sa Pamalican Island, Palawan. Kung hindi kami nagkakamali, nasa $1,900 o humigit-kumulang P100,000 per night ang accommodation sa Amanpulo.

Ilan sa mga litratong ibinahagi ng TV host-comedian ay ang mala-eksena sa mga romantic movie kung saan magkatabi silang nakaupo sa buhanginan with matching lampara. Caption ni Vice sa kanyang IG post, “When LOVE wins we win.”

Sa IG Stories naman ni Ion, makikita ang ilang magagandang bahagi ng isla at base rin sa kanyang mga post, sa Beach Casitas sila naka-check in ni Vice.

“Wala akong maisip na caption babe basta KALUGURAN DAKA!!!” ang caption ni Ion sa mga photos nila ni Vice. Ang “kaluguran daka” ay salitang Kapampangan na ang ibig sabihin ay “I love you.”

Pinusuan naman ng mga kaibigan nina Vice at Ion ang sweet photos ng magdyowa kabilang na sina Bea Alonzo, Anne Curtis, Kim Chiu, Maja Salvador, Bela Padilla, Mariel Rodriguez at marami pang iba.

Kinikilig na comment ni KC Concepcion, “I can’t even deal w these pics love is EVERYWHERE not just the air.”

Read more...