Problema, pangarap, reklamo ng kabataan sa Bagong Taon

IPINAKILALA na ang mga bibida sa “Tabing Ilog, The Musical” na gaganapin sa Marso 7 hanggang Abril 26 sa ABS-CBN Dolphy Theater, ABS-CBN Compound.

Saktong 20 years ago mula nang umere ang youth oriented show na Tabing Ilog kung saan nakilala sina John Lloyd Cruz, Jodi Sta. Maria, Paula Peralejo, Paolo Contis, Desiree del Valle, Patrick Garcia, Baron Geisler at Kaye Abad. 

Sa launching ng “Tabing llog The Musical” inamin ng mga kabataang magsisiganap na malaking hamon ito para sa kanila dahil karamihan sa grupo ay wala pang masyadong exposure sa telebisyon maliban sa sinalihan nilang reality shows tulad ng Star Hunt, Pinoy Big Brother at MNL 48.

Naniniwala naman ang business unit head at executive producer ng show na si Raymund Dizon na papatok ito sa mga kabataan lalo’t ang ita-tackle sa show ay mga karaniwang problema ng kabataan tulad din ng sa Tabing Ilog TV series.

“The challenge now is that the teenagers have evolved. How do we know better the teens of today? What are their challenges, their aspirations? When we revive the show, we wanted to make sure that it’s relevant to both the youth and the people who grew up with the original show,” say ng TV executive.

Dumaan sa masusing voice training ang mga kasama sa musical, pati na ang mga theater artists na may experience na sa pagpe-perform.    Ang mga bibida sa show ay produkto ng Star Hunt at theater actors din tulad nina Kiara Takahashi, Abi Kassem at Gab Pangilinan na gaganap bilang Eds delos Santos (Kaye); Sky Quizon, Hanie Jarar at Ian Pangilinan bilang Rovic Mercado (John Lloyd); at sina Batit Espiritu at Emjay Savilla bilang Badong Magtibay (Paolo).

Gagampanan naman nina Jem Macatuno, Gian Wang, at Gabby Sarmiento ang karakter na James Collantes (Patrick); Argel Saycon ng Star Hunt, Ellyson de Dios at theater actor Vino Malabot as Fonzy Ledesma (Baron).

Mula naman sa MNL48 sina Abby Trinidad, Belle Delos Reyes at theater actress Mia Canton na gaganap bilang si George Fuentebella (Jodi); kasama rin sina Lou Yanong, Missy Quino at theater actress Teetin Villanueva na gaganap na Corinne Ledesma (Desiree); Shawntel Cruz, theater actresses Krystal Kane at Justine Narciso sa papel na Jerry Ricafort (Mylene Dizon); Art Guma, Ian Hermogenes, theater actor Franco Ramos as Ely; gaganap na Sammy Collantes sina Brei Binuya mula MNL48, Star Hunt at Theater actors Noel Comia at Lie Reposposa.

Ang mga miyembro ng artistic team na bumuo ng “Tabing Ilog Musical Play” ay mula sa iba’t ibang grupo mula sa Philippine Educational Theater Association (PETA), Red Turnip, Dulaang UP at Cultural Center of the Philippines.

Ang mga direktor at composer, musical director na magutulong ay kinabibilangan nina Vincent de Jesus, Topper Fabregas at JM Cabling at  Jade Castro.

Mabibili na ang tickets online (KTX). The production is also open to show buyers. Contact 0977-836 0315.            

Read more...