TAWA kami nang tawa sa guesting ng mag-BFF na sina Alessandra de Rossi at Maxene Magalona sa Magandang Buhay recently.
Matagal nang magkaibigan ang dalawa na nagsimula noong pareho pa lang silang baguhan sa mundo ng showbiz. Marami na rin silang pinagdaanan bilang BFF pero napanatili pa rin nila ang kanilang closeness through the years.
Sa dami nga raw ng kanilang mga na-experience sa buhay mula pa noong kanilang kabataan at sa kadaldalan nila pareho, pwede na rin silang magkaroon ng sarili nilang talkshow.
In fact, may naisip na silang concept at title sakaling alukin nga silang maging talkshow host. Sakto raw ito sa lahat ng mga taong may pagka-“narcissist”.
“Matagal na matagal na ‘yon bata pa kami no’n. I was 19, tapos 17 siya. Sabi ko dapat magkaroon tayo ng talk show ang title, ‘All About Us’ tapos tungkol lang sa sarili natin,” chika ni Alessandra.
“Tapos lahat ng guests, kunwari kayo ang guests, ‘Hi, Welcome Bianca (Gonzales), Melai (Cantiveros), and Jolina (Magdangal), do you have a question for us? ‘Cause this show is, All About Us,” pakorus pang sabi ng dalawang aktres.
Ayon kay Maxene mag-start ang friendship nila ni Alessandra noong 17 years old pa lang siya, “Nu’ng time na nakilala niya talaga ako, I was really in a bad place na parang magulo talaga I was lost. She was the one who would put me in my place.
“She did something with me na never kong malilimutan at nagmarka sa akin yon, how she talks to me, talks straight to me na alam kong she means it.
“Kinikilabutan ako kapag naaalala ko kasi it’s one of those core memories na you will never forget with a friend e. It’s one of those things na may naging effect na sa akin, na alam kong tatanawin ko for the rest of my life,” sabi pa ni Maxene.