Aga, Xia 2020 Box-Office King & Queen; Alden, Kathryn waging phenomenal stars

AGA MUHLACH AT XIA VIGOR

Lumabas sa social media ang official list ng mga nanalo at bibigyan ng pagkilala sa 51st Box-Office Entertainment Awards (Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF).

Sa nasabing listahan, hinirang na Box-Office King si Aga Muhlach para sa MMFF 2019 entry niyang na “Miracle in Cell No. 7” habang ang kokoronahan namang Box-Office Queen ay ang child actress na kasama niya sa movie, si Xia Vigor.

Sina Kathryn Bernardo at Alden Richards naman ang itinanghal na Phenomenal Stars of Philippine Cinema dahil sa kanilang “Hello, Love, Goodbye” mula sa Star Cinema na kumita ng P1.3 billion. Bukod dito sila rin ang nagwaging Film Actor and Actress of the Year.

Ibibigay naman ang mga titulong Prince And Princess of Philippine Movies ang reel-and-real-life couple na sina Enrique Gil at Liza Soberano dahil sa tagumpay sa takilya ng pelikula nilang “Alone/Together”.

 

Read more...