Paulo napiling leading man ni Jane de Leon sa ‘Darna’

PAULO AVELINO

NGAYONG nagsimula nang umarangkada ang shooting ng “Darna” na pagbibidahan ni Jane de Leon, ang magiging leading man naman niya ang kinasasabikang malaman ng publiko.

Eh, sa Instagram post ni Leo Dominguez, inilabas niya ang isang lumang picture ng talent niyang si Paulo Avelino.

Kalakip nito ang isang tila pahayag at sa loob nito, nakalagay ang mga salitang, “According to sources, Darna’s leading man has been chosen. Paulo has been assigned to partner with de Leon in the movie.”

“Avelino has worked with (Jerrold) Tarog in ‘Heneral Luna’ and in his title role in ‘Goyo, Ang Batang Heneral.’”

Gamit ni Leo ang hashtags na “#PauloAvelino joins #darna.”

Siyempre bilang manager, Leo knows better, huh! At sigurado kami na mabibigyan ng justice ni Paulo ang role na gagampanan niya sa muling paglipad ng iconic Pinay superhero.

Kung si Paulo na nga ang magiging leading man ng bagong Darna, ito ang next project niya after ng movie nila ni Janine Gutierrez.

Read more...