#PalabanNa: Alden game maghubo’t hubad sa party

ALDEN RICHARDS

KASAMA si Alden Richards sa grupo na nagpaplano para sa gaganaping pagtitipon na mala-cast party ng programang naging bahagi siya.

Hindi na iba sa Kapuso actor ang kanyang mga kasama sa meeting as most of them were already his co-workers. Nakasanayan na nilang mag-bonding sa tuwing magpapaalam na sa ere ang kanilang show.

Natural na nag-uumapaw ang mga suggestions sa kung paano nila idaraos ang party. Came Alden’s turn na ikinagulat ng mga katrabahong seryosong nakikinig what he had to say.

“Para maiba naman,” simula raw ni Alden, “maghubad tayo!”

Wala raw sa tono ni Alden ang nagbibiro o nagpapatawa, donning a serious face na talagang pinanindigang “strip party” ang nais niyang kalabasan ng event na ‘yon.

Ikina-shock ‘yon ng kanyang mga kamiting dahil taliwas ‘yon sa image niya, Alden in his birthday suit at a party na hindi naman gagawin sa beach?

Kung saka-sakali bang matuloy ‘yon, mahigpit kayang ipagbawal ni Alden ang pagdadala ng cellphone para hindi siya makunan in his naked glory?

Read more...