Celebrity salon owner problemado sa pera, pero lumalaban nang patas

In dire financial straits ang isang sikat na gay salon owner, a celebrity in his own right.

Nakatirik ang kanyang salon somewhere within the Scout area in Quezon City. Ang dating nagmamay-ari ng property na ‘yon ay isa ring tanyag na singer-actress close to him, pero naipagbili na niya ito.

Since iba na nga ang may-ari, nag-iba na rin siyempre ang presyo ng upa. For sure, mas tumaas pa ito kaysa dati making it hard for the gay salon owner to meet.

Hindi rin daw kasi marami ang kanyang mga kliyente.

Good thing, hindi lang ‘yon ang kanyang bread and butter. Manaka-naka ay nakakagawa ng mga pelikula ang salon owner with commercial endorsements on the side.

It’s such a pity nga lang that life has become a bit too hard for him.

“Nag-lifestyle din kasi siya, eh,” tsika ng aming source. By lifestyle, he means na nakipagsabayan din daw ito sa high living ng kanyang mga celebrity friends.

We feel for the salon owner, na minsan na ring pinuri sa kanyang pagganap sa isang pelikulang tumatalakay sa namuong pag-iibigan sa pagitan ng isang beki at isang preso.

Whatever he’s going through ain’t funny. Gets?

Read more...