Alden 4 buwan pinaghirapan ang 6-pack abs; puring-puri si Bea

KINUMPIRMA ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na may project sila ni Bea Alonzo na kinunan pa sa Thailand.

Pero mabilis na nilinaw ng Kapuso Drama Prince na hindi ito pelikula kundi para sa isang TV commercial. Aniya, dream come true ito para sa kanya dahil matagal na niyang hinahangaan ang Kapamilya actress at gustung-gusto rin niyang makatrabaho ito.

Sana raw sa susunod nilang proyekto at pelikula na ang gagawin nila, “Siyempre, looking forward po ako doon, ‘saka mabait na tao po si Bea. Sobrang fan po ako ng ‘One More Chance’, e. Talagang first time I met them ni John Lloyd (Cruz), parang first-time ko na-starstruck.

“Pero ngayon, parang ang sarap ng feeling lang na idol mo lang dati, katrabaho mo na ngayon, so ang sarap lang ng experience. Sobrang daming blessings for this year,” pahayag ni Alden nang makachikahan ng ilang members ng media pagkatapos ng presscon ng GMA para sa upcoming talent search na “Centerstage”.

Samantala, talaga namang umaapaw ang sex appeal ni Alden ngayon dahil sa kanyang pagpapa-yummy. Pinagpipiyestahan ang sexy photos niya sa social media lalo na ang mga Instagram posts niya with matching nagmumurang abs na may bonus pang pabukol.

Ayon kay Alden, halos apat na buwan niyang pinaghirapan ang kanyang katawan ngayon, “Itinago ko po kasi siya, e. Hindi ko po ipinakita na nagpi-prepare ako. Minsan lang ako nag-post pero ‘yung mga ilang workouts lang. Pero hindi po talaga ako nagpakita.

“Surprise po talaga yun for 2020. I owe it to myself po talaga. Ilang taon ko na pong sinasabi na gusto ko magka-abs, pero puro drawing lang. So, Ito po talaga, pinilit kong gawin, pinilit kong magkaroon. Work, effort, at saka dedication,” paliwanag ng Pambansang Bae.

Speaking of “Centerstage”, si Alden nga ang magiging host nito na magbibigay ng chance sa mga batang nangangarap maging singer, “It’s something new for me, it’s going to be different, ‘yun po ang challenge sa akin dito, how to deal with kids, kung paano sila mag-isip, paano ko gagawing magaan ‘yung naging desisyon ng judges at ng mga tao.”

Co-hosted by Betong Sumaya, Centerstage will gather young aspiring performers aged 7-12 from different places in the Philippines to compete against each other through songs and by outracing opponents in a series of vocal performances until only one remains. Ibig sabihin hindi lang ito basta talent search kundi isa ring game show para mas ma-enjoy ng mga bagets.

“Sobrang excited ako, hindi naman araw-araw makakakita ako ng ganito kagagaling na mga bata kaya I’m so thankful for this opportunity. To be able to watch these contestants showcase what they’ve got, amazing talaga,” sey ni Betong.

Magsisilbing judge naman sina Kapuso Diva and international singer-artist Aicelle Santos, renowned musical director Mel Villena, at ang original Concert Queen na si Pops Fernandez na umaming napakahirap daw ng trabaho nila dahil nga bata ang kanilang idya-judge.

Mula sa direksyon ni Louie Ignacio, sundan ang journey ng mga bata sa Centerstage tungo sa kanilang pangarap, simula sa Feb. 16, tuwing Sunday, 7:40 p.m., sa GMA 7.

Read more...