KathNiel apektado rin sa coronavirus; mag-ingat sa fake news, magdasal

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

APEKTADO rin ang showbiz couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa corona virus scare sa Pilipinas at iba pang bansa sa Asia.

Ayon sa KathNiel, kailangan talagang seryosohin ng bawat Filipino ang pag-aalaga sa ating kalusugan.

“Unang-una, it’s not a joke. Hindi siya biro talagang marami ng tao ang naospital. Based sa mga nababasa natin hindi na natin talaga alam, eh. At marami na ring pumanaw dahil du’n sa virus.

“So, kailangan natin maging cautious. Prevention is the key. Kahit walang sakit, automatically kailangan natin palakasin yung mga katawan natin. Lalo na ngayon na may sakit kailangan natin palakasin yung immune system natin,” pahayag ni Daniel sa ginanap na presscon para sa bagong endorsement nila ni Kathryn, ang PayMaya BalikBayad.

Dagdag pa DJ, “Plus, huwag tayong pumunta sa masyadong crowded places. Always wear your masks, alcohol, wash your hands and kailangan ka laging maligo lalo na sa mga pamilya, sa mga estudyante. Ako yung mga kapatid kong pumapasok, kailangan mo sabihan. And magdasal tayo. Diyos ko ang daming nangyayari mga kapatid. Magdasal tayo at maging cautious.”

Para naman kay Kathryn, makatutulong kung magiging mas responsable at maingat ang mga Pinoy sa pagpo-post at pagbabasa ng mga balita sa social media. “Ako more of sa kabataan naman since tayo nasa social media, siguro gamitin natin yun to spread the news na very accurate. Huwag tayong mag-repost kasi ang daming fake news, eh.

“Hindi mo na alam sometimes kung saan yung reliable. So think before you post. Basically tayong mga millennials yun yung simpleng magagawa natin. And good hygiene. Wala namang mawawala sa atin kung magdoble ingat tayo. Hindi joke yung nangyayari. Ipagdasal natin na matapos na lahat ito,” aniya pa.

Naghahanda na rin ang KathNiel sa bago nilang serye sa ABS-CBN, “Abangan n’yo. Tini-training na namin ‘yan. Romance drama, and siyempre a little bit of action para pampabuhay lang ng dugo.”

Samantala, perfect daw ang KathNiel sa bagong campaign ng PayMaya, ayon kay Mark Jason Dee, Head of Growth and Marketing. “We’re very excited to have KathNiel representing the ‘BalikBayad’ campaign, because just as these two big celebrity icons have made a comeback for us this year, our users can also expect something to come back–in the form of cashback–every time they use PM instead of cash. For your inquries, follow us at @PayMayaOfficial on Facebook, Instagram and Twitter.”

Read more...